Ang Taong Inlab...
Thursday, February 5, 2009 - - 5 Comments
Ang buwan ng febrero (febrero daw oh ang artchee ah..) daw ay buwan ng mga puso. Kamusta naman at malapit na ang pebrero 14 ang saya saya nanaman ng mga malilibog “naku!!!” Dapat ilipat yan sa pebrero 29. Pwede namang kasi sa octobre oh kaya sa nobyembre nalang. Bakit pebrero pa pwede bang ilipat nalang talaga!?? (Ajiji labless kasi ang lolo mo kaya mejo nahihigh blood) At bakit my nanalalaman pa silang color coding sa buwan ng pebrero. Sa dinami daming kulay ay pula pa pwede naman kasing dilaw oh kaya berde nalang, kung sabagay bakit ang nobyembre at desyembre my color coding din sila. ohah ohah!! (My nalalaman pa silang ganun….)
Anu nga ba ang nararamdaman ng isang tao kapag siya ay inlab???
(nag tanong ako sa lima at isang half- half na tao at ito ang mga sagot nila)
Dahil akoy isang taong inggitera, isa lang sakanila ang tinanong ko.
Zeds: ano bang nararamdaman ng isang tao pag inlab siya?
Nix: Teka lang po. (sabay pikit ang mata)
Zeds: (taas kilay ang lolo mo, “at my papikitpikit pa siyang nalalaman”)
Nix: (habang nakapikit ang lola mo) ang isang taong inlab po ay…. Inspired, Masaya palagi, ngingiti lang bigla, nawawala sa katinuan, di makatulog sa gabi at hindi kompleto ang araw pag hindi ko nakita ang taong mahal ko.
Zeds: (Dahil inggitera ako at ayaw ko ng maalala pa yung mga ganung exsena) Oh!! xa xa xa tama na ang pagkukunwari at kabaliwang ito!! “sabay sampal!!”
Matapos ang walang ka kwenta kwentang pag uusap na yun ay heto nanaman ako at nag eencode. Sapalagay ko naman ay ganun yata talaga ang mainlab naranasan ko din naman kahit papano yun. Ako pa nga pag akoy inlab nagagawa ko yung hindi ko kayang gawin, tulad ng my ka holding hands my kahalikan, kayakap at pumasok araw araw sa skul (para lang makita yung wawing ko. “wawing = bf oh gf”) Kung minsan pa nga ang mga taong inlab ay binabalewala na nila ang mga kaibigan nila, hindi na sila nakakasama sa gimik at jamming ng barkada. At ang pinaka magandang naidudulot ng pag ka inlab ay nagiging mas magaling ka na sa mga taong nag mahal, nag-alaga at nagpakain sayo. Dahil sa tingin mo ay kaya ka ng buhayin ng wawing mong studyante palang.
Masaya ang pakiramdam pag inlab lahat ng mali sa buhay mo ay unting unti na na itatama. Dito mo natututunan ang salitang “sikap” para sa kinabukasan nyung dalawa. Masarap at masaya talaga ang mag mahal lalo na pag nagmamahalan talaga kayo. Pero taandaan natin pag nag mahal tayu ay dapat handa rin tayung masaktan. Binigyan natin sila ng karapatan na mahalin tayu at binigyan din natin sila ng karapatang sakatan tayu. Kaya dapat isa ulo ng mga tao ito “kung gaano ka sarap ma inlab ay ganun din kasakit masaktan. (ewan ko ba kasi bakit pa kasi na uso pa ang pag mamahal na yan nyemes!! ”bitterness ang lolo mo hehe”)
Kung nasaktan ka man dahil sa lab na yan wala na tayung magagawa dun parte talaga yan ng pagmamahal. Natural lang na mag hanap ng kausap, uminom at umiyak. Abnormal na yung mag papakamatay ka dahil ubos na ang alak at isipin mong parang wala ng bukas. Tandaan mo rin na may mga iniwan ka pang mga kaibigan na handang umopu at makinig sa problema mung tinatawanan lang ng iba. Kung ang mga kaibigan mo ay medyo nakokornihan na sa mga drama ng pag-ibig mo at ayaw ka na nilang kausapin.Sanay maisip mo na may mga magulang ka pa na mas magaling pa sayo. Nandyan ang nanay mong handang makinig sayo kahit na iniistorbo mo na siya sa panonood niya ng mga koreanovela niya. Ang pag –ibig hindi natin inaasahan kung kelan darating at kanino dadapo. Tandaan lang natin na kung mag mamahal man tayu ay siguradohin tanin na wag nating ibibigay ang lahat. (tulad ng bahay, alahas, halaman, bato,hayuf, pera at ang puri) Isipin magtira sa sarili upang my lakas tayu para bumangon.
