Ang mga P.B.B. (Pinoy Broke Back)

Sunday, January 25, 2009 - - 5 Comments

Isang nagmamagandang araw, habang akoy nakaupo sa isang tabi at nanonood ng mga taong naglalakad habang hinuhulaan ko ang mga trabaho nila ay my bigla akung narinig na sumisigaw. Bakla!!, bakla!!, bakla!!! sigaw ng isang bata sa dumadaang lalaki na sa tingin ko ay ang trabaho nya ay nag bebenta ng avon. Syempre dahil sa isa akung dakilang tambay na mahilig sa tsismax ay dahang dahan akung lumingon sa kaguluhang kasalukuyang nagaganap. Habang pasimple kung tinitignan yung batang sumisigaw eh bigla akung nagulat dahil sumigaw yung lalaking nag bebenta ng avon ng “ @%$&*!!! Ammom la garuden ibagam pay lang (lam mo na nga sasabihin pa)!!” di ko alam kung matatawa ako o malulungkot sa karumaldumal na sinapit ng lalaking nag bebenta ng avon ( xemperds iisipin mo na tumawa ako, sa ugali ko ba namang to) Hindi kaya ako tumawa HaLLuer!!. “Kaw na ah ang naka upo sa isang tabi at bigla bigla nalangng tatawa ” anu nalang ang sasabihin ng mga constituent ko kung nakita nila ako “my kringles ang etah ganun??” Tama na!! sa kwento na tayu at na iistress na ung lalaking nag bebenta ng avon. Pagkatapos sumigaw nung lalaking nag bebenta ng avon ay bigla ulit sumigaw ung batang hampas lupa ng AHAHAHA wOOt wOoTT… bakla!! Bakla!! Dahil sa na stress na talaga ung lalaking nag bebenta ng avon ay bigla ulit siyang sumigaw ng “sapay kuma ket pati sika (sana ikaw rin)!!!” at biglang natahimik ung batang etah at pasimpleng umalis para mag benta ng porn na DVD.

Habang pinapanood ko yung lalaking nag bebenta ng avon eh my napansin ako sakanya. Hindi lang pala Avon ang benebenta nya pati pa pala Sara Lee, Sofi Martin, Drugs, McDo, SM,Board Walk at siguro kung kaya lang niyang buhatin yung mga buy one take five na mga ataol eh kakaririn pa nya. Nung nawala na ung lalaki sa naggagandanhan kung paningin ay bigla nalang nag moment of silence ang paligid ko. Napaisip tuloy ako kung nag iisip ako at bigla nalang tumahimik ang aking maganda at maamong mundo.
$#!+!! “6pm na pala sa cathedral“ Kaya pala tumahimik salababet!! (Kala ko nag iisip na ako)

Anu bang ibig sabihin ng bakla?? At bakit natin silang tinatawag na mga bakla? Sabi ng mga taong nagpapakadalubhasa, ang mga bakla daw ay sila yung malalambot ang puso sila yung tipong walang patutunguhan sa buhay at sila daw ang salot ng lipunan. (Kung ganun anung tawag natin sa mga taong tambay?? pag-asa ng bayan?) Bakla, bading, shokla, bila, tokler, at tokling ilan lamang yan sa tawag sa kanila. Kung minsan pa nga ang tawag sakanila ay diosa, hayop at makasalanan pa. Anu bang nagawang kasalanan ng mga taong ito at ganun nalang kung tratohin sila ng mga iba. Iniisip ko nga ung sinabi nung lalake sa batang paslit “ammom la garuden ibagam paylaeng “ kung sabagay di lang naman mga bata ang nag gaganun eh mapa hayop, halaman, bata, binata at matanda. Lalot lalo na ang mga magagalang na binata, pag nakakita sila ng lalaking malambot ang puso eh parang tingin nila sa kanila ay para silang my sakit na walang lunas. Meron pa yung mga batat binata na kung makakasalubong sila ng mga makasalanan eh sasabihin nila na “agasan u, labanan u at maka alis”. Minsan na iintindihan ko pa yung mga bata dahil minsan hindi nila alam ang kanilang sinasabi itoy naririnig lang nila sa mga halaman, hayup, at sa lolat lolo nilang wala ng ibang ginawa kundi maki alam sa aking sex life.

Ang mga tinatawag nating bakla,diosa, hayup, at baklang broke back ay my mga pakiramdam din na sasaktan. Wala tayung karapatang husgahan, laitin at tapakan ang mga pagkatao nila. Sila!?, sila?! na walang kasalanan, sila?! na nananahimik lamang at sila?! na ang kasalanan lamang nila ay maging anak sila sa labas. *Sa mga hindi nakaka gets, yung mga slow* ? (“kasi daw ang mga kabilang sa 3rd sex ay hindi anak ni papa GOD, Si PACK MAN lang daw ang anak nya TINKS GOD!!) Sabi ni ( Itatago nalang natin siya sa pangalang Secta) ang mga broke back daw ay hindi tinatanggap sa langit ang mga lalaki at babae lamang daw ang karapat dapat pumunta dun. (“ohah, ohah!!”) Kahit na wala silang karapatang pumunta sa langit ay my karapatan silang mabuhay ng marangal at matiwasay. My karapatan din silang magmahal at umibig ng walang takot hindi nila kaylangang mabuhay sa dilim at lalolng lalo ng hindi nila kaylangan mag paalam sa mga nagmamagaling para mabuhay ng tahimik at marangal.