Ang mga P.B.B. (Pinoy Broke Back)

Sunday, January 25, 2009 - - 5 Comments

Isang nagmamagandang araw, habang akoy nakaupo sa isang tabi at nanonood ng mga taong naglalakad habang hinuhulaan ko ang mga trabaho nila ay my bigla akung narinig na sumisigaw. Bakla!!, bakla!!, bakla!!! sigaw ng isang bata sa dumadaang lalaki na sa tingin ko ay ang trabaho nya ay nag bebenta ng avon. Syempre dahil sa isa akung dakilang tambay na mahilig sa tsismax ay dahang dahan akung lumingon sa kaguluhang kasalukuyang nagaganap. Habang pasimple kung tinitignan yung batang sumisigaw eh bigla akung nagulat dahil sumigaw yung lalaking nag bebenta ng avon ng “ @%$&*!!! Ammom la garuden ibagam pay lang (lam mo na nga sasabihin pa)!!” di ko alam kung matatawa ako o malulungkot sa karumaldumal na sinapit ng lalaking nag bebenta ng avon ( xemperds iisipin mo na tumawa ako, sa ugali ko ba namang to) Hindi kaya ako tumawa HaLLuer!!. “Kaw na ah ang naka upo sa isang tabi at bigla bigla nalangng tatawa ” anu nalang ang sasabihin ng mga constituent ko kung nakita nila ako “my kringles ang etah ganun??” Tama na!! sa kwento na tayu at na iistress na ung lalaking nag bebenta ng avon. Pagkatapos sumigaw nung lalaking nag bebenta ng avon ay bigla ulit sumigaw ung batang hampas lupa ng AHAHAHA wOOt wOoTT… bakla!! Bakla!! Dahil sa na stress na talaga ung lalaking nag bebenta ng avon ay bigla ulit siyang sumigaw ng “sapay kuma ket pati sika (sana ikaw rin)!!!” at biglang natahimik ung batang etah at pasimpleng umalis para mag benta ng porn na DVD.

Habang pinapanood ko yung lalaking nag bebenta ng avon eh my napansin ako sakanya. Hindi lang pala Avon ang benebenta nya pati pa pala Sara Lee, Sofi Martin, Drugs, McDo, SM,Board Walk at siguro kung kaya lang niyang buhatin yung mga buy one take five na mga ataol eh kakaririn pa nya. Nung nawala na ung lalaki sa naggagandanhan kung paningin ay bigla nalang nag moment of silence ang paligid ko. Napaisip tuloy ako kung nag iisip ako at bigla nalang tumahimik ang aking maganda at maamong mundo.
$#!+!! “6pm na pala sa cathedral“ Kaya pala tumahimik salababet!! (Kala ko nag iisip na ako)

Anu bang ibig sabihin ng bakla?? At bakit natin silang tinatawag na mga bakla? Sabi ng mga taong nagpapakadalubhasa, ang mga bakla daw ay sila yung malalambot ang puso sila yung tipong walang patutunguhan sa buhay at sila daw ang salot ng lipunan. (Kung ganun anung tawag natin sa mga taong tambay?? pag-asa ng bayan?) Bakla, bading, shokla, bila, tokler, at tokling ilan lamang yan sa tawag sa kanila. Kung minsan pa nga ang tawag sakanila ay diosa, hayop at makasalanan pa. Anu bang nagawang kasalanan ng mga taong ito at ganun nalang kung tratohin sila ng mga iba. Iniisip ko nga ung sinabi nung lalake sa batang paslit “ammom la garuden ibagam paylaeng “ kung sabagay di lang naman mga bata ang nag gaganun eh mapa hayop, halaman, bata, binata at matanda. Lalot lalo na ang mga magagalang na binata, pag nakakita sila ng lalaking malambot ang puso eh parang tingin nila sa kanila ay para silang my sakit na walang lunas. Meron pa yung mga batat binata na kung makakasalubong sila ng mga makasalanan eh sasabihin nila na “agasan u, labanan u at maka alis”. Minsan na iintindihan ko pa yung mga bata dahil minsan hindi nila alam ang kanilang sinasabi itoy naririnig lang nila sa mga halaman, hayup, at sa lolat lolo nilang wala ng ibang ginawa kundi maki alam sa aking sex life.

Ang mga tinatawag nating bakla,diosa, hayup, at baklang broke back ay my mga pakiramdam din na sasaktan. Wala tayung karapatang husgahan, laitin at tapakan ang mga pagkatao nila. Sila!?, sila?! na walang kasalanan, sila?! na nananahimik lamang at sila?! na ang kasalanan lamang nila ay maging anak sila sa labas. *Sa mga hindi nakaka gets, yung mga slow* ? (“kasi daw ang mga kabilang sa 3rd sex ay hindi anak ni papa GOD, Si PACK MAN lang daw ang anak nya TINKS GOD!!) Sabi ni ( Itatago nalang natin siya sa pangalang Secta) ang mga broke back daw ay hindi tinatanggap sa langit ang mga lalaki at babae lamang daw ang karapat dapat pumunta dun. (“ohah, ohah!!”) Kahit na wala silang karapatang pumunta sa langit ay my karapatan silang mabuhay ng marangal at matiwasay. My karapatan din silang magmahal at umibig ng walang takot hindi nila kaylangang mabuhay sa dilim at lalolng lalo ng hindi nila kaylangan mag paalam sa mga nagmamagaling para mabuhay ng tahimik at marangal.

This entry was posted on 11:04 PM You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

5 comments:

Anonymous said...

being gay doesnt make them less of a person.. they deserve the kind of respect being given to thsoe straight people. just ebcause their preferres sexuality is diffrent from ours, it doesnt mean that they dont have the same feelings like any of us have, they also got hurt and theyre as much a human as the straight people are..

mames said...

true adi!!!...well nun din naman at kahit ngaun("no mamiongsan") mdjo nan la2it ako sa mga ganung tao o sa mga tulad nla...but until nna naki pag barkada ako or nakisama sa kanila kahit paminsan minsan lang all of a sudden ngay ket nasa2bi ko na sa aking sarili na mali pala ako..in a way nga jay 1st impression ko kanyada....SORRY a MGA pards..

Ngem zeds..anya ngay t talaga nga point mo ditoy??? main point agad ahh????????....wooooooooottttt.....

bHeiByTeaZe since 2oo2 said...

smart and i dunno kung pertinent or impertinent ung style mo ngay..heehee..similar to the writings of bob ong pero xmpre mas magaling c bob ong..xP tpong parang nonsense na may sense.hehe! kc pang mataas ang i.q. lng itech...pag bobo ka mahihirapan ka intindhin...xP i had fun reading this because it has a different and intriguing humor in its context..and very lovable ang author*wink wink*..haha! i wanna read more of ur work so kip it up..


xoxoxo

Anonymous said...

grabe.. tatawa-tawa ka pero may sense.. nakaka-iyak pa nga if nandun ka tlga sa dimension ng tinutukoy.. it's very cute.. keep up girl..wey, wey, wey... bka tawagin tyong mga bading nito.. wahahahah.. ansaya.. it's really a no-non-sense, humoriffic, and so true na mga kwento..

kilala ko si mamang nag-aavon a.. hahaha.. pag sabihan mo nga yung bata na nang-api sa kanya.. may pwesto na ung mamang nag-aavon.. sosyal!

haayyy, y is it na natapat ang baklang broke back issue sa january?..

hopefully, you'll continue to do your blogs as good as it is.. it's really something someone can reflect upon..wait!..nose-bleed ako dun.. well, i'd like to get your link sa iyong blog.. i have a blog kuno for our small company churva.. and maybe i can link your site dun.. better yet, i'll post it sa friendster ko.. hahahha... d p pla kita in-add sa fwendster koh.. ad na lng kita..

happy blogging! c u when i see you amiga..

Anonymous said...

wow, very impressive work!
Good Job ating!
I gonna share this blog to my gay friends here..
For sure, the're gonna like it..
Keep it up, i'll wait for your next issue...heheheh